It’s Not Easy to be Me…
Hindi madaling magkaroon ng kulot na buhok na hindi mo malaman kung kulot nga ba o wavy or straight. Pati buhok may identity crisis!
Hindi madaling magkaroon ng 475/475 na vision kaya bulag ka kapag malayo na ang kausap mo.
Hindi madaling maadik sa notebook. Hindi mo pa nauubos ang pages, nagpapalit ka na agad kapag may bago na.
Hindi madaling magtupi ng plastic. Kasi nakakainis makita ang nakalamukos na plastic kaya kahit tinatamad ka na, tutupiin mo pa rin.
Hindi madaling magpanggap na okey ka kahit ang totoo, gusto mo ng sumigaw, umatungal, magwala at maglupasay.
Hindi madaling ngumiti at magbiro kahit deep inside, nasasaktan ka at nalulungkot.
Hindi madaling magkaroon ng talent na maramdaman ang feelings ng iba. Minsan tuloy pati ikaw nahahawa sa nararamdaman nila.
Hindi madaling ibuhos ang buong buhay sa taong mahal mo.
Hindi madaling mag-let go ng mga tao at bagay sa buhay mo lalo na iyong sobrang halaga at sobrang laking bahagi ng buhay mo.
Hindi madaling magpakatino, magpakabait at manatiling matino at mabait.
Hindi madaling itulak ang sarili to strive harder when every one else is waiting for you to fail and fall down on your knees.
Hindi madali to stand up for your faith lalo na at pamilya mo ang kasalungat mo sa paniniwala at pananampalataya.
Hindi madaling maging mahina sa Economics at budget management. Lagi kang hanging on the edge of the cliff kapag nauubos na ang resources.
Hindi madaling maging tagapayo at listener. Kasi kapag ikaw na ang nasa sitwasyon na iyon, para bang ang hirap sundin ng lahat ng mga bagay na mismong ikaw na ang nagpayo. At kapag kailangan mong makinig, hindi mo makilala pati sarili mong boses.
Hindi madaling maging matigas ang ulo. Maraming bagay kang dapat pangatawanan. Buntot mo, hila mo.
Hindi madaling magkaroon ng maraming kaibigan. Kulang ang salitang salamat para mai-express mo kung gaano ka ka-blessed na andiyan sila.
Hindi madaling magmahal ng isang katulad niya. Kulang ang araw kapag kasama mo siya.
Hindi madaling maging manunulat. Ang hirap kasing mangarap na isang araw, babasahin din ng madla ang iyong akda.
Hindi madaling mag-birthday. Bukod sa lahat ay nag-aantay ng blow out mo…nare-realize mo tuloy kung gaano ka na katanda at kung may pinagkatandaan ko na.
I told you. It’s not easy to be me.
Ayoko Na…
Ayoko na…
Ayoko nang bitawan ka.
Ayoko na…
Ayoko nang isipin ang bukas kung wala ka.
Ayoko na…
Ayoko nang mawala ka pa.
Ayoko na…
Ayoko nang pigilan ang sarili kong mahalin ka
Dahil ayoko na…
Ayoko nang masaktan pa.
At sana nga, hindi na muling masaktan pa.
Krismas Wishlist 2008
Wala akong Pasko. Pero hindi ako tumatanggi sa regalo. Hehehe! I make this every year because it’s fun and I do get some from of the things I include in my list. So here I am. I’m making one again. I’ve already posted a list sa aking Multiply site. Pero this time, iyong MEDYO realistic list naman.
1. Veronika Decides to Die by Paulo Coelho
2. USB Flash Drive 4GB (or bigger)
3. Parker pen with my name engraved on it
4. complete DVD set ng Gilmore Girls
5. complete DVD set ng Charmed
6. stuffed toy na penguin (iyong cute)
7. isang box ng puting panyo
8. cigarette case
9. flip flops (size 7)
10. cute na flat shoes (size 7)
11. Twilight, New Moon, Eclipse & Breaking Dawn (you can choose 1)
12. Starbucks organizer
13. 2009 planner iyong wallet size lang
14. Starbucks mug/tumbler
15. cute na notebook
16. cute na pouch
17. cellphone stand
18. name plate…iyong may cute, colorful letters and design
19. lipstick (reddish brown shade)
20. bracelet watch ulit
21. cute pair of earrings
22. mechanical pencil na violet
23. bedroom pillow
24. oversized shirt na pantulog
25. soft, cottony slippers…iyong parang panghotel
26. bathrobe (silk or towel)
27. bathtowel (iyong super laki)
28. cute na pillow
29. desk calendar (wag naman iyong limited edition 2007 SD calendar! hehehe!)
30. lalagyanan ng CD na puno ng CD-R
31. cute na head bands
32. children’s books
33. penguin na lampshade
34. calculator (iyong malaki)
35. earring, necklace, bracelet set…iyong pearl with gold theme
36. Ferrero Rocher
37. cheesy volcano pizza from Pizza Hut
38. sexy lingerie
39. canvas or katsa tote bag (iyong kasya buong bahay namin)
40. bedsheets (twin/double sized na fitted sheet with matching pillowcases)
41. hangers na maraming sipit
42. ABS-CBN umbrella iyong mahaba
43. shirt na white, red, black or brown
45. Victoria’s Secret Romantic Wish
46. miniskirt na maong
47. canvas belt (iyong parang garrison belt)
48. Pringles original flavor
49. Jollibee plushdoll
50. metallic slippers
51. Jamaican Patties
52. Bagoong Rice sa SR Thai (yes, this is considered a gift)
53. cute bag
54. airbed
…more on this list kapag may naisip pa akong idagdag!
Bakit?
I never loved poetry. Hate ko magsulat ng poem nun sa Creative Writing namin. Ewan ko ba ngayon kung bakit tinotopak ako. Para sa isa riyan na fan ng blogs ko. Dahil emo mode ka these days, para sa iyo na naman ito.
nanangan sa pangako mo
naniniwala sa lahat ng iyong salita
umaasang hindi mawawala
bakit?
hinahanap ang iyong ngiti
nanabik sa bawat sandaling kapiling ka
nag-aantay ng iyong muling pagbabalik
bakit?
nalulungkot sa hindi mo pagkibo
nangungulila sa pagyakap mo
nasasaktan dahil wala ka na
bakit?
dahil mahal kita
ito lang ang tanging alam ng puso ko
at kahit pilitin kong limutin ang lahat
alam kong mahirap mabuhay
ngayong wala ka na
Miss na Kita, Teresa
Matagal na rin namang hindi kami nagkikita ni Teresa. Anim na taon na rin simula ng huli kaming magkita. Sa totoo lang, miss ko na siya. Kumusta na kaya siya? Katulad pa rin ba siya ng dati? O kagaya ng iba ay nagbago na rin siya?
Mahaba at malalim ang pinagsamahan namin ni Teresa. Halos apat na taon din kaming magkasangga sa maraming bagay. Kung tutuusin, masasabi kong isa siya sa pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko. Kung ano man ako ngayon, utang ko iyon sa kanya. Si Teresa ay isang kaibigan, kasangga, kachokaran, takbuhan, kanlungan, kasabay, kasama, kapatid, kabarakada, lahat na!
Marami siyang itinuro sa akin sa loob ng apat na taon. Tinuruan niya akong lumaban. Itinuro niyang hindi sa lahat ng pagkakataon ay maging tahimik ka na lang. Minsan kailangan mo ring magsalita. Minsan kailangan mo ring kumilos. Tinuruan niya akong makibagay. Hindi raw lahat nadaraan sa pagpipilit ng gusto. Minsan kailangan timbangin ang pakiramdam at ugali ng mga tao sa paligid mo. Pagkatapos, pag-aaralang pakibagayan sila upang maging matiwasay ang inyong pagsasama at maging produktibo ang mga gawain.
Tinuruan niya akong makibaka. Makibaka at makipagsalaparan sa agos ng buhay. Itinuro niyang hindi mo kayang planuhin ang buong buhay mo dahil hindi mo alam kung saan ka susunod na dadalhin ng pagkakataon. Tinuruan niya akong maging matatag. Sa bawat pagsubok, tiyak na may kalutasan at pagtatagumpay. Ang mahalaga ay kung paano mo tutuklasin ang sagot sa lahat ng mga tanong. Tinuruan niya akong maging mapanuri…maging mapagmasid sa paligid. Dahil marami kang matutunan sa bawat taong iyong makasasalamuha.
Ipinakita niya sa akin ang isang aspeto ng realidad. Maaaring hindi pa ito nakikita o nararanasan ng iba. Subalit masasabi kong kapag kasama mo si Teresa, makikita mo ang isang katotohanang walang halong pagpapaimbabaw.
Dahil kay Teresa, nalaman ko na ang buhay ay isang malaking paaralan. Unti-unti ang pagpapaliwanag sa iyo ng mga leksyon. May grado o level na dapat kang pagdaanan. Dahil din kay Teresa, marami akong taong nakilala. Mga taong nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ko.
Maasahan iyang si Teresa. Laging nariyan sa lahat ng pagkakataon. Hindi ko man siya laging kapiling, nariyan lamang siya at naghihintay sa aking pagbabalik. Takbuhan ko siya sa mga panahong nahihirapan ako, nagigipit ako, nagugutom ako at nag-iisa. Lagi siyang nariyan upang bigyang katugunan ang lahat ng pangangailangan ko.
Sa aking pagdalaw kay Teresa, nakatutuwang malamang hindi pa rin siya nagbabago. Nananatili pa rin siyang kanlungan ng mga taong katulad ko noon…nangangapa sa mundo. Kunsabagay, hanggang ngayon naman nangangapa pa rin ako. Kaya nga nami-miss ko si Teresa. Nami-miss ko ang mga panahong itinuturo niya sa akin ang bawat daang tatahakin ko. Miss ko na ang mga tawanan, kwentuhan, ingay, gulo, at kulay ni Teresa. Kung pwede nga lang sana kasama ko na lang siya palagi.
Sana hindi siya magbago. Sana lumipas man ang maraming taon, manatili pa rin siyang kanlungan ko. Manatili pa rin siyang isang masugid na kaibigang handang tanggapin kung ano ako. Laging naghihintay sa muli kong pagbabalik sa kanya. Miss na kita, Teresa.
Random Thoughts
Monday November 03rd 2008, 7:11 pm
Filed under:
random
1. I was supposed to be working. I’m starting to feel bored.
2. Hope to get what they promise me. I need it very badly at this point.
3. I miss Baguio. The coldness…it kills me but then…
4. My words…this is my treasure…this is what breathes life into my soul. Damn it! I miss writing!
5. The movie on my mind…it keeps on playing on and on.
6. I miss so many people these days. The loneliness sucks!
7. See you at the crossroad…hope I make it through.
8. Holding on to a promise of forever being here…while everything may cease to exist, there is one thing that shall never ever pass and this is more than a promise. It is a lifetime commitment…sealed with hope, faith and love.
9. Be here. Be there…and most of all…STAY.
10. Sana Sunday pa rin ngayon.
Krismas Wishlist
Alam ko matagal pa ang Pasko at wala naman akong Pasko. Pero hindi ako tumatanggi sa regalo. At hindi kailangan Pasko para magregalo. Hehehe! The last time nag-post ako ng wishlist nung birthday ko, I got most of it…thanks to my wonderful friends who really went out of their way para pag-isipang tuparin ang wishlist ko.
Kaya heto, wishlist ulit. Sana matupad…hehehe!
1. Trip to Bohol with accommodations
2. trip to Boracay ulit
3. trip to Baguio (ang dami kong trip! hehehe!)
4. laptop
5. Canon na digicam (gusto ko SLR…ang taray!)
6. cellphone
7. multi-colored shoulder bag (iyong kasya buong bahay)
8. white pair of Havaianas (size 7- ayan may size na kasi baka magalit na naman si Eden. Hehehe!)
9. flipflops (size 7 ulit)
10. cute na flat shoes (size 7 ulit)
11. gold sandals para sa wedding ni Grace (size 7 pa rin)
12. Three stars and a Sun shirt
13. Eraserheads shirt
14. cute na pouch
15. silver earrings
16. Starbucks mug
17. cute na planner for next year (pwede rin iyong sa Starbucks. hehehe!)
18. ABS-CBN umbrella (iyong malaki)
19. violet na payong iyong foldable (adik sa payong! hehehe!)
20. violet na pamaypay with my name on it
21. violet na mechanical pencil ulit (adik sa lapis) o kaya Parker Pen with my name on it
22. plastic basket iyong parang pampicnic
23. refrigerator (hehehe!)
24. Sony Vega (bongga!)
25. iPod video (iyong 30G)
26. Flash Drive (4GB, pwedeng Kingston or Transcend ba un? basta hindi disposable…hehehe!)
27. cute na notebook (adik talaga!)
28. wristwatch
29. big, soft pillows
30. purple fitted sheet with matching purple pillowcases
31. Veronika Decides to Die and other Paulo Coelho books
32. ABNKKBSNPLAKO, MacArthur, Alamat ng Gubat by Bob Ong
33. DVD ng complete season ng Gilmore Girls (nde ko na kasi na-burn ung kay April eh! hehehe!)
34. new pair of eyeglasses
35. trip to Ocean Park Manila (kawawa hanggang ngayon hindi pa nakakapunta ng Ocean Park! Hehehe!)
36. ferris wheel ride at Enchanted Kingdom while watching the fireworks display
37. black dress
38. video cam for shooting my own film (nangarap!)
39. Ford Lynx RS Centennial Edition (maski 2nd hand lang)
40. mataray na jacket
41. giant shirt na pantulog na Mickey Mouse
42. a spectacular view of the sunset (i miss this…kapag nagkaoras ako, gagawin ko ulit ito…tumunganga sa sunset!)
43. Hershey’s Kisses
44. Pringles original flavor with Coke
45. photo op with Mt. Fuji
46. magkape kaharap ang Eiffel Tower
47. Swiss Knife
49. tattoo of my name written in Japanese characters
50. short, shorts! hehehe!
51. a new maong skirt (ung mini…hehehe! walang kokontra!)
52. DVD complete season of Charmed
53. keema with eggplant sa Mr. Kabab
54. Krispy Kreme!
55. scramble na maraming chocolate syrup at powdered milk na may melamine! hehehe!
Random Thoughts
1. Why does it always rain on my parade?
2. Credit card…in layman’s term - more utang! Hehehe!
3. I’ve had enough of psychology! Soon I’ll end up as a psycho!
4. Oo nga! Wordpress based na ang Friendster blog. Ngayon ko lang napansin samantalang matagal na akong nagpalit ng theme.
5. Waiting in VAIN for lunch…hehehe! (gutom!)
6. Why do I always end up believing in a lie? Why do I always have to be the one to cry? (siyet, ang emo!)
7. Walang basagan ng trip!
8. Matatapos na ang October nang wala man lang Octoberfest? Oh, well…people do really change.
9. Anemia makes people insane…anyway, baliw naman talaga ako even without anemia.
10. Wedding preps galore. Sana kapag ako na ang ikakasal maging ganito rin ako kaganado sa preparations.
11. Namimiss kita. Akala ko wala lang sa akin ang pag-alis mo. Akalain mo iyon? Mamimiss din pala kita. Kahit pinapasakit mo ang ulo ko. Kahit panapasama mo ang loob ko. Siguro talagang ganun, no?
12. There is nothing more stronger than the bond of a mother to her child.
13. I badly miss that house at the end of the street. If only I have the courage to face all my fears. If only I could fix everything with a snap of a finger. Then maybe…just maybe…all the emptiness would finally disappear.
14. Should I start my Christmas countdown kahit hindi naman talaga ako nagse-celebrate ng Christmas?
15. At para sa mga gustong magregalo, siguro I should start writing my wishlist.
16. I don’t know if this day sucks or not. I just hate the world today.
17. MRT is a little bit kind to me today. Sana araw-araw.
18. Had a good sleep last night. Had a good morning today. Waking up is always a wonderful moment to be thankful for.
19. And again, I shall say this…”another day, another battle!”
20. And yes, I am SO sick and tired of the same old mess.
counting my blessings part 2
the sound of your voice, the smile on your lips, the sunshine in your eyes, the tickling sound of your laughter.
your hands holding mine, your arms around me, your kisses at night, my head on your shoulder, patting my back, opening doors, starting the day with you.
hoping…hoping for better days to come.
wishing…wishing to have you forever.
wanting…wanting to be with you always.
praying…praying that love shall never die.
believing…believing that this IS REAL.
for everything else that remains to be unspoken. for all of these and so much more…THANK YOU.
ILOVEYOU!
Okay…what’s next?
Thursday September 25th 2008, 12:18 am
Filed under:
Uncategorized
I’ve taken that big step. One giant leap from another. There are many new things in my life right now. While everything seems and feels so right, I still have this sinking feeling inside my stomach. After taking those steps, what’s next for me?
I am at least, happy. My life is not nearly perfect. I’m still stuck with the same old mess from yesterday. Today is something that keeps me sane. It’s something I’d like to cherish for as long as it last. For how long? I don’t even wanna ask. Tomorrow is something I am still scared to think about. Everything’s bound to happen. And more likely, I don’t know where I will end up.
Questions are still bugging me. Somehow, the happiness hasn’t rubbed on me that quite well yet. I feel like a leaf floating on water. Waiting for the wind to blow and stir the water to take me somewhere…somewhere totally unknown to me.