random thoughs 3
1. wow, akalain mong marunong pa rin akong magbilang? at least!
2. sweldo na bukas. matutuwa ba ako o uuwing luhaan?
3. day 1 of flying solo. so far so good. so far so good.
4. pinakanakakainis sa lahat is when you’re forced to make a decision na labag sa kalooban mo.
5. how can you fire a good employee? iyong tipong walang kupas sa sipag at talaga namang walang butas sa attendance.
6. saan patutungo ang pagsintang pururot? sa inidoro ba o sa kangkungan?
7. magkano kaya ngayon ang shock absorber sa banawe? bilhan ko na lang kaya sila isa-isa para matahimik na ang buhay ko.
8. masarap mabuhay di ba?
9. nang-indian na naman ako ng isang kompanyang dapat ay a-apply-an ko. in fairness, masipag silang tumawag. wala lang akong lakas ng loob na sagutin ang tawag nila dahil hindi ko alam kung paano ko sila sasagutin.
10. sana magkaroon ng direksyon ang trabaho kong ito. just when i am starting to build a career, everything blows out of proportion.
11. blows out of proportion…madalas ko yatang gamitin ang word na iyan ngayon.
12. paano kung ang isang taong nakasanayan mo nang nasa tabi for a long period of time ay bigla na lang mawala sa tabi mo? a person who almost defined who you are. would life still have meaning? would it ever be the same?
13. bakit ba ako matanong ngayon?
14. at bakit ang dami kong random thoughts?
15. aba…malay.
random thoughts 2
1. ano nga bang tumatakbo sa utak ko ngayon? hindi ko na rin alam, eh.
2. tama ba ang bilang ko ng random thoughts? pati yata magbilang nakalimutan ko na kung paano.
3. ang init! tatlong linggo nang sira ang air-con namin sa room. sumasakit na ang ulo ko dahil hindi ako makapagtrabaho ng matino.
4. gusto kong tumambay sa UP. maupo sa sunken garden at tumulala sa damuhan.
5. masaya ba ako o malungkot. i’m trying my very best para hindi maapektuhan ng changes dito sa office pero hindi ko magawa.
6. ang hirap maging attached sa isang tao. kapag lumayo siya sa iyo ang hirap i-detach ang sarili. kaibigan man o taong mahal mo.
7. ang hirap din kapag ikaw lang mag-isa ang naninindigan sa isang bagay. ikaw lang ang naniniwala rito. ikaw lang ang nakikipaglaban para rito. at lahat sila ayaw sa ginagawa mo samantalang sumusunod ka lang naman sa nakatataas sa iyo. ang gulo no?
8. paano ibebenta ang librong ayaw ibenta?
9. ayoko sa lahat iyong pinaglalaruan ako. kung para sa iba katuwaan lang ang isang trabahong pinagbuhusan mo ng pagod, oras at hirap, anong dapat mong gawin? dapat ka bang magwala o kumawala?
10. nami-miss ko ang blogs ni kat. dahil naka-block ang pansitan, hindi ko na tuloy mabasa ang mga blogs niya.
11. ang hirap ding maging isang mabuting kaibigan. kahit ayaw mong sumali sa isang magulong sitwasyon, kasali ka na.
12. ano ba ang mangyayari bukas? sana alam ko para mapaghandaan ko. para hindi ako napu-frustrate at nasasaktan.
13. ano bang silbi ko rito? may katuturan ba lahat itong pinaggagawa ko o nag-aaksaya lang ako ng oras sa pakikipagsapalaran sa isang bagay na hindi ko alam kung may patutunguhan,
14. nami-miss ko nang magsulat ng nobela. kaya ko pa kayang magsulat?
15. anong meron ang taong happy?
16. may interview ako bukas. pero hindi ko alam kung sisiputin ko. again the question, dapat bang magwala o kumawala?
17. mag-isa na naman ulit ako. should i be happy or sad?
18. sunset na. abutan ko kaya ito sa UP?
19. gusto kong kumain ng ice cream. baka sakali lumamig ang ulo ko.
20. mahal ko na ba siya kaya ako nasasaktan ng ganito? in the first place, sino ba siya? nakilala ko na ba siya at nakilala na rin ba niya ako?
21. ayan na…tumatawag na iyong dapat na job interview ko. hindi pa kasi ako nagko-confirm eh. dapat ko ba itong palampasin? aalis na ba ako o gagawa ng resume?0
22. handa na ba ako sa lahat ng pagbabagong ito.
23. changes…i can’t say i love it. i can’t say i hate it. all i know is i’m not ready for it. and it scares the hell out of me.
kapag kinakabahan ka…
1. tumawa ka ng malakas. iyong tipong mukha ka nang lukaret at wala sa sariling katinuan. at least, hindi nila iisiping kinakabahan ka. iyong nga lang posibleng isugod ka nila sa mental dahil mapagkakamalan ka naman nilang baliw.
2. magyosi ka. ubusin mo ang sampung pakete ng yosi hanggang maagnas na ang baga mo at maski bopis ay hindi na pakinabangan.
3. magkape ka. lumaklak ka ng sampung tasa ng kape hanggang sa pati hininga mag-amoy brewed na. lagyan mo ng isang garapong asukal. hindi ka na kakabahan dahil sa puntong iyon, isusugod ka na nila sa ospital dahil pinagkakaguluhan ka na ng mga langgam sa taas ng blood sugar level mo.
4. maglakad ka. maglakad ka ng maglakad hanggang mapudpod ang takong ng sapatos mo. hindi ka na kakabahan dahil gumagapang ka na sa pagod.
5. sumayaw ka ng tinikling. hindi ba mas nakakaaliw panoorin ang iyong paa habang iniipit ng kawayan kaysa ang kabahan ka?
6. sumigaw ka ng malakas. sa lakas kasi ng sigaw mo, lahat sila mabubwisit sa iyo at palalayasin ka.
7. humiga ka sa riles ng tren. wala lang. para mawala na ang kaba mo at matapos na lahat ng paghihirap sa buhay.