kaya mo ba?
paano kung ang mga kamay na pinapangarap mo’y hawak na ng iba? paano kung ang mga ngiting inaasam mo’y laan na para sa iba? paano kung ang mga labing hinahangad mong sana’y pangalan mo ang bigkasin, ibang pangalan ang tinatawag? paano kung ang pangarap ng puso mo’y pag-ibig na ng iba?
kaya mo ba? kaya mo bang manatili sa tabi niya at panoorin siya? kaya mo pa bang tumingin ng diretso sa kanyang mga mata? kaya mo pa bang sagutin ang bawat tanong niya? kaya mo pa bang maging kaibigan siya?
kaya mo bang maging manhid at kalimutan ang pait? kaya mo bang maging martir at magpakasakit? kaya mo bang lumuha ng tahimik at ngumiti sa harap niya?
anong mas kaya mo? ang lumayo at mabuhay ng wala siya? ang umiwas at limutin ang inyong pinagsamahan? ang magtago at ibaon ang kanyang alaala sa limot? ang tuluyang bitawan siya at wakasan ang isang magandang pagkakaibigan? ano? kaya mo ba?
Random thoughts 4
alam niyo bang hindi lang sa blog na ito ako may random thoughts? well, now you know. ang kailangan niyo na lang gawin ay hanapin sa web ang tunay kong blog kung nais niyo pang makabasa ng mas higit pang kabaliwan mula sa akin.
***
kumusta naman ako?
***
not so fine.
***
bern
, bakit kausap mo na naman ang sarili mo?
***
kasi walang makausap. pakialam mo ba?
***
anong meron ang taong happy?
***
aba, malay ko. hindi ako happy ngayon eh.
***
october na…o, so? ano ngayon?
***
malapit nang magpasko. meri krismas!
***
teka, halloween muna!
***
ayoko nun! takot ako sa mumu.
***
totoo ba ang mumu?
***
ewan ko. basta ang alam ko pakiramdam ko may mumu sa tabi ko ngayon.
***
paano mo nasabi? may third eye ka ba?
***
hindi ko na kailangan ng third eye. ito nga lang dalawang mata ko pagkadami-daming mumu nang nakikita eh di lalo na kapag tatlo ito!
***
sino bang mumu iyan?
***
iyan…iyang kaharap ko sa salamin ngayon. mumu iyan.
***
eh, warat ka pala! reflection mo yan! bakit mukha ka bang mumu?
***
of course not!
***
eh, bakit ka natatakot sa reflection mo?
***
dahil hindi ko na siya makilala. hindi ko na alam kung siya pa rin ba iyong kaparehong reflection na nakikita ko tuwing aayusin ko ang pig tails kong tumabingi na dahil sa kakahila ng makukulit kong kalaro.
***
bakit may nagbago ba?
***
meron. marami. bukod sa wala na akong pig tails, hindi na kulot ang buhok ko tuwid na siya. wala na ang salamin ko.
***
sounds normal.
***
eh kasi, nami-miss ko ang pig tails ko. nami-miss ko ang kulot kong buhok. nami-miss ko iyong time na una akong nagpasukat ng salamin.
***
ayaw mo nun ibig sabihin, you’re changing for the better. nag-mature ka na kaya wala nang pig tails. may pera ka nang pampa-rebond kahit hindi ka na mag-asawa ng mayaman. may contact lens ka na rin kaya mas malinaw na ang paningin mo.
***
hindi iyon eh. mas simple ang buhay nung naka-pig tails lang ako. ang tanging problema ko ay ang pagpantayin sila dalawa. ngayon, lahat na yata tabingi sa buhay ko. at kahit anong gawin kong balanse, hindi ko na sila mapagpantay.
***
at hindi nakayang tuwirin ng rebond ang lahat ng kulot na bahagi ng buhay ko na pakiramdam ko ngayon hindi lang basta wavy…kinky na!
***
buti pa nung nakasalamin ako malinaw ang natatanaw ko sa malayo. eh, ngayon, mas malinaw nga ang paningin ko, hindi ko naman matanaw kung saan ba talaga ako patungo.
***
if all these changes are for the better, bakit tila mumu pa rin itong kaharap ko?