Bakit Mo Siya Mahal?
Wednesday July 30th 2008, 6:54 pm
Filed under: Uncategorized

bakit mo siya mahal? bakit nga ba? mahal mo ba siya dahil mabait siya?
dahil maganda siya? dahil kailangan mo siya? dahil sexy siya? dahil
pinaliligaya ka niya? dahil binubuo niya ang pagkatao mo? dahil
pinagliliwanag niya ang bawat araw mo? dahil siya ang buhay mo? dahil
hindi mo kayang mabuhay ng wala siya?

maraming dahilang pwede
mong maisip kung bakit mo siya mahal…pero minsan hindi lahat ng bagay
kailangan ng paliwanag…basta mahal mo ang isang tao, hindi na
kailangang ipaliwanag pa…dahil anumang pagsisikap na lagyan ito ng
rason, ng dahilan ay parang pagbibigay ng limitasyon sa iyong
pagmamahal…pag sinabing mahal mo siya dahil mabait siya…ibig bang
sabihin kapag sumama siya hindi mo na siya mahal? mahal mo siya dahil
maganda siya kaya pag pangit na siya ay hindi mo na siya mahal? mahal
mo siya dahil kailangan mo siya? eh paano kung hindi na? mahal mo siya
dahil sexy siya? eh paano kung maging lumba-lumba na siya sa katabaan?
mahal mo siya dahil pinaliligaya ka niya, eh paano yung mga panahong
nalungkot ka dahil sa kanya? hindi mo siya mahal nun? mahal mo siya
dahil binubuo niya ang pagkatao mo? eh paano kung mag-iba ang pagkatao
mo? iba na rin ang mamahalin mo? mahal mo siya dahil pinagliliwanag
niya ang araw mo…eh paano sa panahong madilim ang mundo dahil sa
kanya? mahal mo siya dahil siya ang buhay mo? eh paano kapag namatay
ka? mahal mo siya dahil hindi mo kayang mabuhay ng wala siya? eh paano
kung mawala siya pero buhay ka pa rin?

mahirap lagyan ng
paliwanag kung bakit mahal mo ang isang tao…dahil hindi kayang
sukatin o pantayan ng anumang salita ang nadarama ng isang pusong
nagmamahal. madalas nga tayong magtanong ng bakit upang bigyang
paliwanag ang mga bagay…pero ang pag-ibig ay isang bagay na walang
paliwanag…mahal mo ang isang tao dahil mahal mo siya…hindi dahil sa
kung anumang nakita mo sa kanya na maaaring mawala, magbago at
mapalitan…dahil mawala man, mabago man o mapalitan man ang mga
katangiang ito…mahal mo pa rin siya.



Gusto Ko…
Monday July 28th 2008, 9:48 pm
Filed under: Uncategorized

I was never a fan of poetry. But what the heck…I breathe to write, I live to write. So here goes nothing…

Gusto kong yakapin ka ng buong higpit

Upang maramdaman mo na nasasaktan ako.

Nasasaktan ako dahil wala ka sa piling ko.

 

Gusto kong hawakan ang iyong kamay

Upang malaman mong takot ako.

Takot akong humakbang ng wala ang pag-alalay mo.

 

Gusto kong ibulong sa tainga mo ang nilalaman ng isip ko.

Upang malaman mo kung gaano kagulo ang buhay ko ng dahil sa
iyo.

 

Gusto kong haplusin ang iyong mukha

Upang ikintal sa aking alaala ang larawan mo

 

Gusto kong makapiling ka ngayon

Upang bawat oras ay magkaroon ng kabuluhan

Upang kahit sandali’y maging masaya naman ako.

 

Gusto kong marinig sa mga labi mo ang pangalan ko

Upang malaman ko ang halaga ko sa iyo.

 

Gusto kong maramdamang mahal mo rin ako

Upang mapatunayan kong tama ang nararamdaman ko

 

Gusto kong ulitin ang lahat ng sandali

Upang itama ang lahat ng

mali

 

Gusto kong magbakasali

Na magbabalik ka pang muli

 

Gusto kong malaman mong mahal kita…

Kahit di ka na muling mapapasaakin pa.



are you huMAN enough?
Thursday July 24th 2008, 3:25 am
Filed under: Uncategorized

I don’t want to impose. When it comes to commitments, I give people a
leeway to decide how they could keep their commitments. Ang importante
sa akin is that they deliver. I don’t care how. Basta I want results.

I expect someone
to deliver something he/she has promised me. Ang inaasahan ko na ay
iyong resulta. Hindi ko ididikta sa kanya kung paano niya gagawin iyon
or kung kailan niya sisimulang gawin iyon. Ang mahalaga, magawa niya
iyon at maibigay sa akin sa takdang panahon.

Dahil ayoko ng
dinidiktahan ako. I don’t want someone imposing and telling me how to
live my life and how to do my work. Kaya hindi ko pinakikialaman ang
hindi ko trabaho. I don’t care about someone else’s business as long as
it does not concern or directly affects me. Kung hindi ko ikayayaman or
ikahihirap, wala akong pakialam.

Oo, minsan frustrating
kapag nakikita ko iyong taong iyon na walang ginagawang effort para
ma-fulfill sa akin iyong commitment niya. Pero kasi hindi ko naman
hawak ang buhay niya. Desisyon niya kung anong balak niyang gawin sa
buhay niya. As long as matupad niya ang binitiwan niyang salita, okey
na sa akin iyon. Kung hindi niya iyon kayang pangatawanan, well then,
hindi ko na siya pag-aaksayahan ng panahon ko.

Dahil naniniwala
ako that experience is the best teacher. Hayaan mong madapa ang bata
para maramdaman niyang masakit pala masugatan at hindi na niya ulitin
iyon. Pero kapag pagkatapos niyang madapa ay wala siyang natutunan,
aba, baka may mali sa kanya.

Dahil naniniwala akong binigyan tayo ng
utak para gamitin sa mga sitwasyong higit na kailangang mag-isip tayo
kaysa ngumawa. At binigyan tayo ng puso para maramdaman natin ang lahat
ng sakit para hindi na natin naising manakit ng iba.

If someone does not function that way, he/she is probably not human after all.