It’s Not Easy to be Me…
Tuesday April 21st 2009, 11:04 pm
Filed under: Uncategorized

Hindi madaling magkaroon ng kulot na buhok na hindi mo malaman kung kulot nga ba o wavy or straight. Pati buhok may identity crisis!

Hindi madaling magkaroon ng 475/475 na vision kaya bulag ka kapag malayo na ang kausap mo.

Hindi madaling maadik sa notebook. Hindi mo pa nauubos ang pages, nagpapalit ka na agad kapag may bago na.

Hindi madaling magtupi ng plastic. Kasi nakakainis makita ang nakalamukos na plastic kaya kahit tinatamad ka na, tutupiin mo pa rin.

Hindi madaling magpanggap na okey ka kahit ang totoo, gusto mo ng sumigaw, umatungal, magwala at maglupasay.

Hindi madaling ngumiti at magbiro kahit deep inside, nasasaktan ka at nalulungkot.

Hindi madaling magkaroon ng talent na maramdaman ang feelings ng iba. Minsan tuloy pati ikaw nahahawa sa nararamdaman nila.

Hindi madaling ibuhos ang buong buhay sa taong mahal mo.

Hindi madaling mag-let go ng mga tao at bagay sa buhay mo lalo na iyong sobrang halaga at sobrang laking bahagi ng buhay mo.

Hindi madaling magpakatino, magpakabait at manatiling matino at mabait.

Hindi madaling itulak ang sarili to strive harder when every one else is waiting for you to fail and fall down on your knees.

Hindi madali to stand up for your faith lalo na at pamilya mo ang kasalungat mo sa paniniwala at pananampalataya.

Hindi madaling maging mahina sa Economics at budget management. Lagi kang hanging on the edge of the cliff kapag nauubos na ang resources.

Hindi madaling maging tagapayo at listener. Kasi kapag ikaw na ang nasa sitwasyon na iyon, para bang ang hirap sundin ng lahat ng mga bagay na mismong ikaw na ang nagpayo. At kapag kailangan mong makinig, hindi mo makilala pati sarili mong boses.

Hindi madaling maging matigas ang ulo. Maraming bagay kang dapat pangatawanan. Buntot mo, hila mo.

Hindi madaling magkaroon ng maraming kaibigan. Kulang ang salitang salamat para mai-express mo kung gaano ka ka-blessed na andiyan sila.

Hindi madaling magmahal ng isang katulad niya. Kulang ang araw kapag kasama mo siya.

Hindi madaling maging manunulat. Ang hirap kasing mangarap na isang araw, babasahin din ng madla ang iyong akda.

Hindi madaling mag-birthday. Bukod sa lahat ay nag-aantay ng blow out mo…nare-realize mo tuloy kung gaano ka na katanda at kung may pinagkatandaan ko na.

I told you. It’s not easy to be me.





     
No Comments so far



Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

(required)

(required)